Layon ngayon ni Senator Nancy Binay na ma-realign ang panukalang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para maging potensyal na budget sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), cancer treatment program at Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare workers.

Ani pa ni Binay, mahalaga umanong mailipatsa mga programa ng pamahalaan laban sa coronavirus disease (COVID-19).ang panukalang pondo ng NTF-ELCAC na nasa P281 billion.

“At the moment, ang nakikita ko lang ay yung sa NTF-ELCAC. Baka isa yun sa mga pwedeng pagkuhaan ng pondo,” pahayag ni Binay sa DZBB.

“And then titingnan natin dun sa iba’t-ibang agency kung ano ba yung mga programa na hindi talaga nagagamit sa ahensya nila. Kasi alam ninyo naman, every year, meron yung absorbtive capacity din ng mga ahensya,” pagpupunto ng senadora.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna nang kinuwestyon ni Binay ang budget cut na natamasa ng RITM sa ilalim ng panukalang P5.024-trillion national budget, kung saan P170 milyon ang naibawas nito kumpara noong nakaraang taon.

“Yes, pangunahin sila, sila talaga yung nangunguna pagdating sa research, not just on COVID, but for other diseases,” pagbatikos ni Binay sa budget cut ng RITM para sa taong 2022.

“And then, napansin din natin, cancer treatment. Pinasa namin ito sa Kongreso na dapat meron talagang specific line item para dun sa assistance na ibibigay natin dun sa mga cancer patients. So for this year, ang nilaan na pondo ay P620 million. Pero for next year ay nawala rin itong P620-million,” dagdag ng senadora.

Isang katanungan din para kay Binay kung bakit hindi naisama sa 2022 proposed budget ang dagdag na SRA para sa mga healthcare workers.

“Bakit kailangan pang hintayin yung Bayanihan 3 e kung pwede na namang ilagay dun sa national budget for next year? Dahil ito na, kumbaga, mas sigurado na mapapasa ito by year end,” sabi ni Binay.

“Hindi katulad nung Bayanihan 3, hihimayin pa namin yan sa Senado. Alam naman natin na medyo gahol na rin sa panahon,” dagdag niya.

Dahil dito kaya pabor siyang mailipat ang pondo ng NTF-ELCAC sa mga health-related programs ng gobyerno.

“[Dahil] mas kalaban natin ang COVID kesa sa mga insurgency. Hindi ko sinasabing hindi problema ang insurgency. Pero sa heirarchy ng mga kalaban natin, number one ang COVID kaya dapat doon tayo nakatuon.”

Hannah Torregoza