Sa kasagsagan ng pagkakagulo ng lahat dahil sa pagpasok ng COVID-19 sa bansa at pagpapatupad ng unang enhanced community quarantine, pumutok ang isang balita sa showbiz na hindi masyadong nabigyan ng atensyon: ang paglalayas umano ng dating sexy star na si Brandy Ayala sa kanilang tahanan, na nauna nang napabalitang nasiraan ng bait dahil sa malalang paggamit ng ipinagbabawal na gamot noong kabataan niya.

Para sa mga hindi nakakaalam, isa si Brandy Ayala sa mga sikat na sexy stars noong dekada '80. Ang kanilang grupo ay tinawag na 'Street Beauties' kasama sina Aurora Boulevard at Epifania Delos Santos, na hango sa mga sikat na kalye sa Metro Manila ang screen name. Tinawag din siyang 'Alcohol Beauty. Kasabayan nila ang 'Softdrinks Beauties' gaya nina Coca Nicolas, Sarsi Emmanuelle, at Pepsi Paloma.

Screenshot mula sa YT/Showbiz Trendz

Pelikula

'And The Breadwinner Is...' kumita na ng mahigit ₱400M

Screenshot mula sa YT/Showbiz Trendz

Screenshot mula sa YT/Showbiz Trendz

Naging artista si Brandy sa panahong uso pa ang pelikulang 'bomba' (penetration movies), tawag sa bold films na may mga actual sex scenes.

Bigla na lamang siyang nawala sa showbiz limelight dahil sa pinagdaanang depresyon, na kalaunan ay naging malala. Nagsimula na itong mawala sa sarili at nagpalaboy-laboy sa mga lansangan. Noong 1997, lalong lumala ang kalagayan ni Brandy dahil sa sakit na 'schizophrenia' na naging dahilan upang ipagpatuloy niya ang paggala sa mga kalsada.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang schizophrenia ay " is a psychosis, a type of mental illness characterized by distortions in thinking, perception, emotions, language, sense of self and behavior." Ito ay nagagamot naman sa pamamagitan ng mga gamot at mabisang psychosocial support mula sa mga taong mahahalaga sa kaniya.

Ayon sa salaysay ng kaniyang pamangkin na si Ralph Estrada, kahit na lumalaboy-laboy ang kaniyang tiyahin sa lansangan at nanghihingi ng pagkain at pera sa mga tao, umuuwi pa rin naman daw ito sa kanila, kung saan ito tumutuloy sa Tondo, Manila. Subalit noong Marso 15, sa kasagsagan ng ECQ, ay hindi na ito nakauwi. Hindi na nila malaman kung nasaan na ito. Humingi ng tulong si Ralph sa Philippine Entertainment Portal o PEP upang mabuksan ang isyu hinggil sa pagkawala nito.

Screenshot mula sa YT/Showbiz Trendz

Noong Agosto 21, 2020, may nakapagsabi umano kay Ralph na namataan si Brandy sa bandang Mandaluyong City. sa pamamagitan ng isang sasakyan ay ginalugad nila ang buong Mandaluyong City upang hanapin si Brandy, subalit bigo silang makita ito.

Noong Setyembre 21, 2020, nanggaling umano mismo kay Ralph na patay na raw si Brandy, batay sa impormasyong sinabi sa kaniya ng mga empleyado ng Mental Hospital. Nang tanungin ng PEP kung ano ang pangalan ng funeral parlor na pinagdalhan sa bangkay ng tiyahin, iba-iba umano ang sinasabing pangalan ni Ralph. Nanghingi na lamang sila ng litrato ng bangkay nito bilang ebidensya, subalit hindi na umano tumugon si Ralph.

At nito ngang Marso 31, 2021, kinumpirma ni Ralph na nakabalik na sa kanila si Brandy sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Humingi ng paumanhin si Ralph sa PEP kung nagawa nitong magsinungaling sa kanila, na patay na ang kaniyang tiyahin.

Kuwento niya, nanatili pala talaga sa isang Mental Hospital sa Mandaluyong ang kaniyang tiyahin at kalaunan ay kinuha na lamang ng DSWD at ibinalik sa kanilang pangangalaga.

Samantala, isang netizen naman na nagngangalang 'Lervert Verso' ang nakakita kay Brandy habang ito ay nasa lansangan. Makikita sa ibinahagi niyang video ang kalunos-lunos na hitsura ni Brandy habang may hawak na bayong.

Screenshot mula sa YT/Showbiz Trendz/Lervert Verso

Screenshot mula sa YT/Showbiz Trendz/Lervert Verso

Screenshot mula sa YT/Showbiz Trendz/Lervert Verso

Screenshot mula sa YT/Showbiz Trendz/Lervert Verso

Ayon pa sa PEP, walang trabaho si Ralph sa kasalukuyan at malaki ang epekto sa kanila ng ECQ kaya nananawagan siya ng tulong-pinansyal para sa kaniyang tiyahin. Nag-aalala kasi siya na baka umalis na naman ng bahay si Brandy at mawala na naman.