Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 20,019 bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo.

Batay sa case bulletin no. 540 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ang total COVID-19 cases sa bansa sa 2,080,984 hanggang nitong Setyembre 6, 2021.

Sa naturang bilang, 7.6% pa o 157,438 ang aktibong kaso, kasama rito ang 92% na mild cases, 3.4% na asymptomatic, 2.51% na moderate, 1.4% na severe at 0.7% na kritikal.

Mayroon rin namang 20,089 pang pasyente ang gumaling na sa karamdaman kaya’t umaabot na ngayon sa 1,889,312 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.8% ng total cases.

Korte Suprema nagpawalang-bisa ng kasal dahil sa ‘controlling,’ ‘demanding’ na misis

Samantala, may 173 pang pasyente ang namatay dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na sa 34,324 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.65% ng total cases.

Kaugnay nito, sinabi rin ng DOH na mayroon pang 119 duplicates ang inalis na mula sa total case count, kabilang dito ang 95 recoveries.

Mayroon din namang 58 kaso ang unang tinukoy bilang recoveries, ngunit kalaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

Mary Ann Santiago