CAGAYAN - Binalaan ng Department of Health (DOH)-Region 2 ang publiko kaugnay ng paglaganap ng Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon, ayon sa Cagayan Provincial Information Office (CPIO) nitong Linggo.
Pinagbatayan ng CPIO ang ulat niDr. Nica Taloma ng Collaborating Center for Disease Prevention and Control ng Department of Health (DOH)- Region 2 na nagsasabing nakapagtala na sila ng 13 na kaso ng variant at 151 namang Alpha variant cases.
Binanggit ni Taloma na napansin nila ang mabilis ang pagkalat ng Delta variant sa Cagayan, lalo na sa 27 munisipalidad nito.
Kaugnay nito, tiniyak ng DOH na magpapakalat pa sila ng tamang impormasyon sa mga bayan na natukoy na nahawaan ng Delta variant.
Nanawagan din si Taloma sa mga residente ng lalawigan na maging maingat dahil posiblengmagkaroon ng ibang variant na magreresultasa pagdami ng kaso ng sakit.
Nilinaw din nito na epektibo pa rin ang COVID-19 vaccine sa mga variant ng virus.
Liezle Basa Iñigo