Pinalagan ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate nitong Sabado, Setyembre 4, ang pagbuo ng Inter-Agency Anti-Corruption Coordinating Council (IAACCC) sa gitna ng naiulat na overprice na COVID-19 prevention gadgets at paraphernalias.
Nilikha mismo ng Presidential Anti-Corruption Commission ang naturang anti-corruption body nitong Biyernes, Setyembre 3 habang nakikipagbatuhan ng alegasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado kaugnay ng isinagasawang imbestigasyon ng huli sa umano'y overprice na face shields, face masks at iba pang anti-COViD 19 supplies and equipment na binili ng Procurement Services-Department of Budget and Management (PS-DBM).
Kabilang sa iniimbestigahan ng Senado si dating DBM Undersecretary Christopher Lao na dati ring nagtrabaho sa Presidential Management Staff at sa Davao City government matapos maisapubliko ang umano'y bilyun-bilyong irregularidad sa transaksyon ng PS-DBM.
Paniwala ni Zarate, taktika lamang ang paglikha ng IAACCC upang mailihis sa mga mamamahayag ang atensyon sa kinakaharap ng administrasyon sa usapin ng korapsyon
Maaari rin aniyang gamitin ng gobyerno ang IAACCC bilang demolition machine sa kalaban nito sa politikaat oposisyon.
Ben Rosario