ILO-ILO CITY – Hindi bababa sa 92 porsyento ng mga pulis at iba pang non-uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP) sa Western Visayas region ang nabakunahan na laban sa coronavirus disease (COVID-19).

“We want to ensure the safety of all personnel who are deployed as frontliners to serve well the community during this COVID-19,” ani ni Police Brigadier General Rolando Miranda, director of Police Regional Office (PRO-6).

Mula nitong Setyembre 2, may kabuuang 13, 549 kapulisan na ang nakatanggap ng kanilang bakuna kabilang na ang mga probinsya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental.

Sa nasabing bilang, 7, 003 kapulisan na ang fully vaccinated habang 5, 505 naman ang nakatanggap ng kanilang first dose.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Katuwang ng kapulisan ang mga local government units (LGUs) kung saan sila nakaistasyon.

Habang 92 percent na ang nababakunahan sa hanay ng pulisya sa rehiyon, ilang natitirang porsyento ang hindi pa nakatatanggap ng bakuna dahil sa ilang kondisyon sa kalusugan.

Samantala, kampanya ng PRO-6’s Regional Medical and Dental Unit 6 (RDMU-6) ang mabakunahan ang kanilang buong hanay.

Tara Yap