Pinaiigting na ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa private armed groups (PAGs) na pinaniniwalaang gagamitin ng mga politikong hindi lumalaban ng parehas para sa national elections sa susunod na taon.
Idinetalye ni PNPchief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar na 56 sa miyembro ng PAG ay sumuko sa pulisya, walo ang naaresto habang isa naman ay napatay matapos lumaban sa mga awtoridad.
Nitong nakaraang buwan, iniutos ni Eleazar sa lahat ng tauhan nito na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa PAGs bilangbahagi ng paghahanda ng pulisya para sa eleksyon sa susunod na taon. Layunin aniya nito na matiyak ang mapayapa at maayos na halalan.
“As the filing of certificate of candidacy draws near, I instructed all police commanders to further step up the operations against PAGs because they may be used to sow violence especially in the provinces,” teorya nito.
Mag-uumpisa na ang paghahain ng kandidatura sa susunod na buwan at batay na rin sa hawak nilang datos, ito rin ang umpisa ng karahasan na may kaugnayan sa halalan.
Nangako rin ito na gagawin nila ang lahat upang mabantayan ang publiko laban sa PAGs.
Aaron Recuenco