Nagbabadyang muli ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng₱0.90 hanggang₱1.00 ang presyo ng kada litro ng diesel,₱0.80-₱0.90 sa presyo ng kerosene at₱0.50-₱0.60 naman sa presyo sa gasolina.

Idinahilanng mga oil companies ang paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang nitong Agosto 31, huling nagtaas ng₱0.70 sa presyo ng kerosene,₱0.60 sa diesel at₱0.40 naman sa gasolina.

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso

Bella Gamotea