Sa pahayag ng Bren Esports nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 3, inanunsyo ng Philippine team na bigo silang makalilipad sa Berlin para sa Masters 3: Berlin Tournament.

“Our Valorant Team’s historical win in the Valorant Champions Tour (VCT) Challengers – Southeast Asia (SEA) has once again proved that the Philippines has what it takes to compete in the global stage of Esports. We have exhausted all possible options that would enable our team to travel to Berlin on time and safely to compete,” pahayag ng Bren Esports sa Facebook.

Pahayag ng Bren sports mula sa kanilang Facebook page

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“Unfortunately, given the unfavorable circumstances, tight deadlines, and travel restrictions that are out of our control, our time will be unable to travel to Berlin to compete,” dagdag ng kupunan ng Pilipinas.

Matatandaan ang historic win ng Bren nitong Agosto laban sa Indonesian powerhouse squad Alter Ego VCT 2021: Southeast Asia Stage 3 Challengers.

Ang Bren Esports ang sana’y kauna-unahang Pinoy squad na sasabak sa Masters Tournament at inaasahang makikipagtunggali sa ilang kupunan mula North America, Korea, Japan at iba pa.

Samantala, dismayado naman ang ilang fans ng Pinoy squad dahilan para umusbong ang online hashtags #Brenlin at #BringBRENToBerlin.

Ani ng ilang e-sports enthusiasts, kulang umano ang suporta ng bansa para sa larangan ng online sports.

“The esports scene in the Philippines is a huge joke. The effort that the players/team has gone through just to qualify and represent our own country in an international tournament yet they’re not getting any amount of support from our own governing bodies,” pahaya ni Ling2x, isang sikat na online game streamer.

“Seeing the community pull together for #BringBRENToBerlin proves how strong the community is – people care and you guys rock,” pahayag ng isang Twitter handle na isa ring Valorant enthusiast.

Samantala, nanatiling mataas ang moral ng Bren Esports at positibong haharapin ang susunod nilang mga tagumpay sa kabila ng naging pinal na sitwasyon.

Pinasalamatan ng Pinoy squad ang buong esport community sa walang patid na suportang natanggap para a kanilang Masters Berlin bid.

Sa pahayag ni Alex Francois, Head of Competitive Operations for Valorant Esports, dahil sa mahigpit pa ring travel restrictions sa iba’t ibang bahagi ng mundo, bigong nakapag-secure ng travel visas ang Bren Esports dahilan para hindi makalipad ang grupo sa Berlin, Germany.

Pahayag ng VALORANT Esports sa Facebook

Binubuo nina Jessie Cristy "JessieVash" Cuyco, Jayvee "Dubstep" Paguirigan, Jim "BORKUM" Timbreza, Kevin "Dispenser" Te, at Riley "witz" Go ang roster ng Bren Esports.