Ready na ang mga sistemang gagamitin para sa soft launch ng National Digital Vaccine Certificate o VaxCertPH sa Lunes, Setyembre 6, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Inihayag ni Roque na prayoridad ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga Pilipinong aalis ng Pilipinas para sa international travel na nakatira sa Metro Manila at Baguio City sa unang yugto ng implementasyon ng proyekto.
Sinabi rin ni Roque na aprubado na ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang soft launch nito sa Lunes.
Layunin ng VaxCertPH ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na gawing streamline ang lahat ng vaccination cards na inisyu ng local government units (LGUs) sa buong bansa.
Magiging libre naman ang vaccine certificate sa ilalim ng proyekto.
Ellson Quismorio