Nakatikim din ng unang panalo ang Dyip kontra sa crowd-favorite Ginebra San Miguel mula nang sumali ito sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 2014.

Nitong Biyernes, hindi na pinaporma ng koponan ang defending champion Gin Kings, 95-90 sa kanilang sagupaan sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Naging instrumento sa pagkapanalo ng Dyip si Juami Tiongson nang umiskor ito ng career-high na 31 points, kabilang na ang siyam na three-pointers nito.

Tumulong din kay Tiongson sinaEric Camson, Matt Ganuelas-Rosser, Aldrech Ramos, Rashawn McCarthy, Joseph Gabayni at Andreas Cahilig upang matalo ang Ginebra na pinangunahan naman ni Christian Standhardinger sa naka-iskor lamang 17 puntos.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?