Ito ang apela ng higit 100 doktor mula sa iba’t ibang medical societies para balaan si Pangulong Duterte sa masamang dulot ng vaping bill na aprubado na sa Kongreso subalit nakabinbin pa rin sa Senado.

Sa isang virtual press conference, hinikayat ng mga doktor ang mga mambabatas na ibasura ang panukalang batas dahil maaari umanong maging dahilan ito ng mas mahinang restrictions sa paggamit, pagbebenta at pag-reregulate ng vapes, e-cigarettes at heated tobacco products. (HTPs).

Vaping

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Umapela ang samahan kay Pangulong Duterte na i-veto ang panukalang batas sa oras na umabot ito sa Palasyo.

Ang pinagsamang apela ay pinangunahan ng mga opisyal mula Philippine Medical Association, Philippine College of Physicians, Philippine Pediatrics Society, Child Neurology Society of the Philippines, Asia-Pacific Center for Evidence-Based Healthcare, Philippine Heart Association; and Philippine College of Chest Physicians.

Binatikos naman ng grupo ang desisyon ng Kongreso na madaliin na ang pag-aapruba sa House Bill 9007.

Limang features ng batas ang mariing tinutulan ng samahan kabilang na ang pagpapababa sa edad ng maaaring gumamit ng e-cigarettes hanggang 18 taong-gulang, pagluluwag sa mga restrictions sa mga flavors ng mga proruktongito at ang deregulation of authority mula sa Food and Drug Adminsitration (FDA).

Pagpupunto ni Dr. Maricar Limpin, president of the Philippine College of Physicians, mababalewala ang Republic Act 11466 o ang Sin Tax Reform Act na naglalayong pagbawalan ang edad 21 taong gulang sa paggamit ng mga e-cigarettes sa oras na maipasa ang bill.

“This measure is anti-youth and anti-health, because it puts public health and young consumers at risk at a time when we should be strengthening the health system against COVID-19,” sabi ni Dr. Limpin.

Nagbabala rin ang ilan pang kasamang eksperto sa maaaring epekto sa immune system ng mga kemikal na ginagamit sa mga vapes.

Ben Rosario