Binabaan ng Philippines Red Cross (PRC) nitong Sabado, Setyembre 4, ang presyo ng kanilang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) tests para sa parehong swab at saliva testing.

Ayon kay PRC Chairman and chief executive officer (CEO) Senator Richard Gordon, makakatipid ang gobyerno ng 'di bababang P5 milyon bawat araw sa nasabing pagbabago.

“Simula ngayong sabado September 4, ibababa na natin ang presyo ng ating RT-PCR tests para makatulong sa ating mga mamamayan,” ani ni Gordon sa isang pahayag.

“Makakatipid ang gobyerno ng 5 milyong piso araw-araw,” dagdag nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinalo na ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang libreng coronavirus testing fees ng mga local government units, Overseas Filipino Workers (OFWs) at healthcare workers.

Sa anunsyo ng humanitarian organization, 25 percent ang ibabawas sa dating presyo ng parehong swab at saliva tests mula P3, 800-P2, 800 hanggang P2, 000-P1,500.

“Ang importante dito ay mas marami tayong mai-test, mas malalaman natin kung sinu ang may COVID, mas mabilis tayong makakakilos upang i-isolate at gamutin ang mga pasyente, at ultimately, mas marami tayong maisasalbang buhay,” sabi ni Gordon.

Sa average na 8,000 tests per day, umabot na sa 4,074,794 swab at saliva samples ang na-test ng PRC mula nang magsimula ang pandemya.

Mayroong 13 operational molecular laboratories ang PRC sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas

John Aldrin Casinas