Pinalad na mapabilang si Idol Philippines grand winner 'Zephanie Dimaranan' sa bootcamp ng global pop group 'Now United' na gagawin sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Makikita sa Instagram post ni Zephanie ang kaniyang special announcement para sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.

"FINALLY! I can shout out that I am going to Abu Dhabi for #CampNowUnited Boot Camp! This is definitely going to be a great and exciting journey! Looking forward to know everyone!" caption ni Zephanie sa kaniyang IG post.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Larawan mula sa IG/Zephanie Dimaranan

Ang Now United ay international teen pop music group na nabuo sa Los Angeles, California noong August 2017 ni Idols creator Simon Fuller. Nailunsad ang grupong ito noong kalagitnaan ng 2018.

Ang 'Idol Philippines' ay pangatlong bersyon ng sikat na singing competition na 'American Idol.' Ito ay franchised ng ABS-CBN. Ang unang bersyon nito ay 'Philippine Idol' na umere sa ABC-5 (TV5 ngayon) noong 2006, at noong 2008 naman ay 'Pinoy Idol' sa GMA Network na umere noong 2008. Noong 2019 naman umere ang Idol Philippines sa ABS-CBN.

Search for
james Reid, Vice Ganda, Regine Velasquez-Alcasid, at Moira Dela Torre (Larawan mula sa ABS-CBN Entertainment)

Ang mga naging judges nito ay kalilipat lamang sa Kapamilya Network na si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Queen of Hugot Songs Moira Dela Torre, Heartthrob James Reid, at Phenomenal Unkabogable Star Vice Ganda. Ang naging host nito ay si Billy Crawford.