Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang deadline para sa paghahain ng aplikasyon para sa transfer of registration records mula sa overseas patungo sa Pilipinas hanggang sa Setyembre 30.

Nabatid na sa Setyembre 30 rin ang deadline o huling araw ng voter registration sa bansa.

“The deadline for filing an application for transfer of registration records from overseas to the Philippines with the Office of the Election Officer (OEO) has been moved to September 30, 2021, to coincide with the local voter registration deadline,” anang Comelec.

Matatandaang ang unang deadline para sa transfer of records ng overseas voters ay noong Agosto 31 pa sana.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Gayunman, nagpasya ang Comelec na palawigin pa ito upang maiwasan ang disenfranchisement ng mga botante.

“The Commission en Banc recognizes the need to prevent the disenfranchisement of a great number of our kababayans who have been unexpectedly repatriated due to the COVID-19 pandemic, hence the decision to extend the deadline,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

“If they will be in the Philippines on election day, then they can still exercise their right of suffrage by casting their ballot here,” aniya pa.

Mary Ann Santiago