Itinaboy ng Philippine Air Force (PAF) ang isang eroplano na pumasok sa airspace ng Pilipinas nang walang pahintulot.
Walang clearance ang hindi natukoy na eroplano sa paglipad nito sa himpapawid ng Pilipinas, ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano.
Matapos aniyangmakumpirma sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang paalam ang nasabingeroplano na magpalipad sa himpapawid ng bansa, agad na iniutos ngPhilippine Air Defense Control Center (PADCC)una sa dalawang FA-50 fighter jet na harangin ito.
Namataan ang sasakyang-panghimpapawid sa pamamagitan ng radar 120 nautical miles hilagang kanluran ng Bolinao, Pangasinan, dakong 9:36 ng umaga nitong Setyembre 2.
“The unidentifiedaircarftwas heading towards the Philippine airspace. Coordination with the CAAP classified it to be an unknown track of interest,” paliwanag ni Mariano.
Ipinaliwanag ni Mariano na may nakitang banta sa seguridad ang PADCC kaya pinakilos kaagad ang dalawang fighter jet.
Nasa 265 knots aniya ang bilis ng lipad ng eroplano at nang lapitan na ito ng dalawang fighter jet ng PAF ay lumayo na ito mula sa himpapawidng Pilipinas.Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin matukoy ng PAF ang eroplano.