Ibinunyag ni Kyle "Kulas" Jennermann, ang Canadian vlogger na nasa likod ng YouTube channel na 'BecomingFilipino,' na siya ay nagpositibo sa COVID-19.
Makikita sa kaniyang Facebook post nitong September 3 na siya ay nasa isolation facility sa Davao Oriental, kalakip ang kaniyang mga larawan. 12 araw umano ang kaniyang magiging quarantine. Hindi umano pinapayagan ang home isolation.
"I just transferred to the local isolation facility in Cateel Davao Oriental and will be here for what looks like at least 12 more days. Home isolation is not allowed here," pahayag ni Kulas.
"First and foremost, I want this to be public right away because we should not be secretive about this virus. It is something that spreads from person to person, and it is important that everyone knows I have COVID. Especially those who were in close contact with me," saad pa niya.
isinalaysay ni Kulas ang kaniyang mga sintomas na kaniyang naramdaman, bago niya malaman ang resulta ng kaniyang swab test.
"On Monday evening I had a little sipon and started to feel really fatigued… but it was sort of a “normal fatigue”, and I thought it would go away. It didn’t. Tuesday, the entire day, I felt absolutely horrendous! My body ached from head to toe and I had very little energy. I almost didn’t eat and found myself laying in my bed that evening struggling to move. ALL AROUND BODY ACHES AND PAINS WITH THE WORST FATIGUE I CAN REMEMBER HAVING. That night was not pleasant! But, the next morning I actually started feeling much better!" kuwento ni Kulas.
Kahit na bumuti na ang kaniyang pakiramdam, pinili pa rin niyang magpa-test upang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya. Masaya siya dahil tama umano ang desisyon niya.
"Regardless, I decided to be safe and go get tested for Covid. Because the wave of grogginess, fatigue, and body pains just wasn’t right. And well… I am so happy I did get tested!"
Ipinaliwanag ni Kulas ang kahalagahan ng swab testing.
"Because even though I am more stable now and just dealing with minor symptoms (a small cough, headache/grogginess)… I can’t imagine if I just went on living my life without knowing I have Covid, and infected a lot more people. We should not be ashamed to have Covid or be sick. But be thankful we have the ability to know and I form others. Get tested," aniya.
Iginiit pa niya na bago siya magka-COVID at naturukan na siya ng 1st dose, kaya hindi siya masyadong nakaramdam ng mga grabeng sintomas. Hinikayat niya ang publiko na magpabakuna.
"I AM SO THANKFUL TO HAVE HAD MY FIRST DOSE WEEKS AGO. I am certain it has probably helped me avoid an even worse experience so far. Go get vaccinated."
Sa isa pang Facebook post, mas pinaigting pa niya ang panawagan ng pagpapabakuna kontra COVID-19. May pamagat ang post niya na 'VACCINATIONS WORK.'
"Five and a half weeks ago, we got our first dose of Astrazeneca. Being COVID positive… I am really thankful to have had that first dose. After I get better, I look forward to my second dose, and being fully vaccinated," aniya.
Ang kaniyang ama ay isa umanong dentista, kaya naman mataas ang pagpapahalaga at pagsaludo niya sa science at medical professionals. Kaya naman hinihikayat niya ang lahat na magpabakuna na at huwag nang magpatumpik-tumpik pa.
Mahal na mahal ni Kyle Jennermann ang mga Pilipino kaya ang content ng kaniyang vlogs ay pagtatampok sa magagandang tanawin at lugar sa Pilipinas, gayundin ang pag-uugali at kulturang Pilipino.
Nitong May 14, 2021 ay ginawa siyang Program Ambassador ng Department of Science and Technology Region XI’s (DOST XI) para sa Grassroots Innovation for Inclusive Development (GRIND) Program.