NUEVA ECIJA - Napatay ang isang battered live-in partner nang barilin ito ng dating ka-live-in partner sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Barangay Bakod Bayan, Cabanatuan City, nitong Huwebes ng hapon.
Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang kinilala ni investigator-on-case Police Cpl. Aldrene Atendido, na si Jenevie Saquing, 38, taga-naturang lugar, sanhi ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang suspek na si Edar Verano, dating brgy. justice volunteer, na kaagad na tumakas, gayunman, iniwan nito ang barilna ginamit sa krimen.
Sa police report, dakong 4:00 ng hapon, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima, gayunman, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa makirinig ng putok ng baril ang mga testigo, dakong 4:00 ng hapon.
"Sinisilip pa po natin ang anggulo ng love triangle kasi nakipaghiwalay na ang biktima dahil sa madalas daw saktan ng suspek kapag nalalasing at dahil sa selos," pahayag pa ng imbestigador.
Ariel Avendaño