Binahagi ng satire page at sikat na Facebook personality na si 'Senyora' ang larawan ng  baliktad niyang billboard sa EDSA para sa isang beauty product nitong Sabado, Setyembre 4.

“Walang good morning! Totoo nga ang chismis kagabi!! Sabotageee!!! Ang aga ko gumising kanina para daanan yan!! Binago nga yung billboard, dinogshow mo naman! Ba't nakabaliktad yan!?” nakakaaliw na caption sa Facebook post ni Senyora na tadtad pa ng angry emoticons.

Larawan mula sa Facebook page ni Senyora

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully ng church members nito

Kasunod namang binanggit ni Senyora ang CEO ng beauty product na si “Miss Glenda” kung saan tinawag niya pa itong “sabotahera.”

“May inggit ka ba talaga sa ‘kin? Simula ngayon wag mo na ako matawag-tawag na kumareMiss Glendahangga’t di binabaliktad yan. Sabotahera!!!” dagdag ni Senyora sa caption.

Sa likod ng nakakaaliw at nakakahilong billboard ay si CEO na si Miss Glenda na tila playtime din ang naging caption sa Facebook post nitong umaga.

“Di ba sabi ko naman sa'yo basta billboard ni Brilliant siguradong pinaghandaan. Nakakahiya naman kasi sa'yo pero masyado ka ng attitude, atat na atat. Pero love kita ha!” ani ng CEO sa kanyang Facebook post.

Halos kalahating milyon na ang nag-react sa post at inulan ng libu-libong comments at shares ang post ni Senyora.