Imbes na napakasayang araw ay nauwi sa luhaan ang sana'y kasal ng magkasintahang sina James Eden at Angela Cortes matapos maging araw ng libing ng groom ang araw sana ng kanilang kasal.

Larawan: Louie Bulalayao/FB

Sa Facebook post ni Louie Bulalayao, photographer ng magkasintahan, ibinahagi nito ang napakalungkot na istorya ng dalawa.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

"Ang araw sana ng inyong kasal ay araw ng libing ni Groom. Madalamhating sakhihan at hindi ko napigilang mapaluha but still, mula sa booking hanggang sa inyong kasal at paghihiwalay physically, I captured your last moments and memories together," ani Louie.

Hindi narin mapigilan ng photographer na maluha sa mga pangyayari.

Ayon kay Louie, February 2020 nang ma-book ang kasal ng dalawa at isasagawa sana sa Ilocos ang prenup.

Noong July 18, 2020 naman nakatakda ang kasal ng dalawa sa St. Francis of Asissi Parish ngunit hindi ito natuloy dahil hindi nakauwi ang ina ni Angela mula sa Singapore dahil sa pandemya.

Sa hindi inaasahang pangyayari ang groom ay namatay sa sakit na asthma noong Agosto 25.

Samantala, Setyembre 2 sana ang isa sa pinakamasayang araw ng magkasintahan dahil sa araw na 'yon nakatakda ang civil wedding ni Angela at James ngunit ang kanilang kasiyahan ay nauwi sa malungkot na pamamaalam dahil inilibing si James sa araw na 'yon.

Larawan: Louie Bulalayao/FB

Sa huling pamamaalam, binasa ni Angela ang kaniyang wedding vow para sa yumaong partner. Isinuot din ni Angela ang kanila sanang wedding ring.

"Salamat Daddy sa walong taong pagmamahal sa akin, maikli man ang taong nakasama ka ng anak natin punong puno naman ng pagmamahal at pag-aalaga mo sa kanya sa apat na taon. Wag ka mag alala daddy lagi kitang ikukuwento sa anak natin na tumayo kang responsableng ama at asawa sa amin," ani Angela.

Laking pasasalamat ni Angela sa partner nitong si James sa pagiging responsable at mapagmahal na ama at partner na kailan man ay hindi rin sumuko sa ano mang problema na dumaan sa relasyon nila.

Larawan: Louie Bulalayao/FB

Dagdag niya, alam niyang magiging proud ang anak nito sa kanya.