ABRA - Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang alkalde ng Bangued at asawa nitong bise alkalde, ayon sa anak nila na si Abra Governor Ma. Jocelyn Valera-Bernos.

Kinumpirma ng gobernador sa kanyang social media account na positibo sa virus ang mga magulang nito na sina Mayor Dominic Valera at Vice Mayor Mila Acosta-Valera, nitong Setyembre 2.

“Nagpapasalamat ako at mild symptoms lang sila at nagpapagaling na lamang. Malaking tulong talaga ang vaccine sa kanilang edad na madaling kapitan ng virus,” pahayag ni Bernos.

Nanawagan din siBernos sa mga naging close contacts ng kanyang magulang, lalung-lalo na sa municipal building na agad magpakonsulta sa Rural Health Unit (RHU) upang mapadali ang contact tracing at mapigilan ang paglaganap ng virus.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lalawigan mula Setyembre 1-7 bunsod na rin ng pagtaas ng kaso ng nahahawaan ng sakit sa lugar.

Sa bisa ng Executive Order ni Bernos, mahigpit na ipatutupadang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling umaga at kinakailangang magkaroon ng “white pass” bago makalabas ng bahay.

Pinagbabawalan din ang mga residente na lumabas at pumasok ng lalawigan hanggang ipinaiiral ang ECQ.

Ang mga APOR (authorized persons outside of residence) ay kinakailangan lamang magharap ng negatibong RT-PCR (Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction)test result upang makapasok sa lalawigan.

Pinapayagan ding pumasok sa lugar ang mga may official business sa probinsya.

inabisuhan din ng Provincial Health Office (PHO) ang publiko na ang COVID-19 Isolation Building ng Abra Provincial Hospital (APH) ay nasa full capacity na as of September 3.

Zaldy Comanda