NUEVA VIZCAYA - Patay ang apat na construction worker matapos matabunan ng gumuhong bahagi ng bundok na nilalagyan nila ng protection wall sa Barangay Tiblac, Ambaguio ng nabanggit na lalawigan, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang apat na sinaRafael Villar, 42, construction leadman, at John Retamola, 25, a construction worker, kapwa taga-Villaverde, Nueva Vizcaya, at Christopher Padua, 38, at Carlos Tome, kapwa taga-Bayombong ng lalawigan.

Paliwanag ni Nueva Vizcaya Police director, Col. Ranser Evasco, putul-putol na ang bangkay tatlo sa mga ito matapos umanong aksidenteng tamaan ng digger bucket ngbackhoe.

Sa ulat ng mga awtoridad, ginagawa ng apat ang slope protection wall ng bundok upang maiwasang magkaroon ng pagguho sa lugar sa Sitio Naduntog nitong Setyembre 3 ng umaga nang maganap ang insidente.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Bbigla umanong gumuho ang bundok habang sila ay naghuhukay para sa pundasyon kaya natabunan nang buhay ang mga ito.

Liezle Basa Iñigo