Mapapakinggan na sa iba’t ibang streaming sites ang brand new album “gg bb xx” ng sikat na Los Angeles trio LANY.
Labindalawang tracks ang laman ng album na may 38 minutes at 13 seconds listening duration.
Positibo naman ang naging pagtangkilik ng kanilang mga fans na nagpaulan ng pasasalamat sa anunsyo ng banda.
“Listened to it this morning and have been jamming ever since. This album came at the right time. Thank you,” sabi ng isang fan.
“Finally! Another Lany album for sure worth listening to!” komento ng isa pa.
“Will be on repeat at work until every work is memorized. Well done Gentleman. Thank you for sharing your creativity on a level that will remain unmatched.” pagpapasalamat ng isang avid listener.
Kasabay ding nag-premiere ilang oras lang ang nakalipas ang official music video ng single track ng album na “ex I never had.”
Tungkol sa sa isang unrequited love ang kantang “ex I never had” na nilinaw sa point of view ng kanta matapos ipagkalat ng sangkot na party ang umano’y relasyon na hindi naman nabuo sa umpisa pa lang.
Ayon sa streaming site na Spotify, nasa Pilipinas ang apat sa limang lungsod sa mundo na pinaka-nakikinig sa musika ng banda.
Ang synth-pop band LANY ang nasa likod sa mga hit songs na ILYSB, Super Far, Malibu Nights, Mean it at maraming iba pa.
Noong 2014, nabuo nina Paul Klein, Jake Goss, at Les Priest ang banda. Ang LANY ay mula sa initials ng lugar na “Los Angeles New York.”