Walang rason upang mangamba ang Pilipinas sa Mu variant na nauna nang na-detect sa Colombia.
Ito ang reaksyon ng Philippine Genome Center (PGC) nitong Huwebes, Setyembre 2 sa babala ng World Health Organization (WHO) na lumalaganap na ang variant sa Colombia at Ecuador.
Binanggit din ng WHO na mayroong mutations ang variant na hindi tinatablan ng mga bakuna.
Gayunman, inihayag ni PGC Executive Director Cynthia Saloma na sa kasalukuyan ay hindi pa nakaaalarma ang Mu variant.
“In terms of this Mu variant there are some concerning mutations, which are also similar to what we have seen for the Alpha and Beta so these are still under investigation and we’re closely following it up,” paliwanag ni Saloma nang dumalo sa isang virtual forum
Inihalimbawa ni Saloma ang ulat ng Public Health England kung saan binanggit na karamihan ng nahawaan ng variant ay nasa edad 20.
“I’ve been looking at our database, I think either we have one or we have not yet seen one yet. Should this be a concern for now? Not yet. We have not been associating this new variant with any local spike in new cases,” katwiran nito.
Matatandaang naunang natukoy sa Colombia ang variant nitong Enero 2021 at pagkatapos ay may mga ulat ng paglaganap nito sa South America at Europe, ayon pa sa WHO.
Gabriela Baron