Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte saCommission on Audit (COA) na i-audit angPhilippine Red Cross (PRC) upang matukoy kung nagastos nang tama ang pondo ng gobyerno.

Ang PRC ay isangnon-government organization (NGO).

Ginawa ni Duterte ang hakbang sa gitna ng iringan nila ni Senator Richard Gordon na chairman ng PRC, na nag-ugat sa imbestigasyon ng Senado sa umano'y kuwestiyunableng pagbili ng pamahalaan ngcoronavirus (COVID-19) supplies sa Pharmally nitong nakaraang taon

Sa kanyang ikalawang pre-recorded public address nitong Miyerkules ng gabi, pinaratangan ng Pangulo si Gordon at ang PRC na bilyun-bilyong piso na umano ang kinita sa kontrata nito sa gobyerno sa mga nakalipas na taon.

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso

“The money that you have accumulated all these years would run into billions at ang gusto kong makita ko ang audit talaga na totoo ng Red Cross,” paglilinaw ni Duterte.

Aatasan aniya nito ang COA na i-audit ang PRC at pinapasumite rin sa kanya ang kopya ng kanilang magiging findings.

“I will demand, the Executive Department will demand that we be furnished the copies of your audit taken by COA, and COA to give us the copies so that we can review also what you have audited at tignan ba namin kung tama o hindi," paliwanag ng Pangulo.

“Let us be open to everybody. You open your books and I open mine, and you can read all that is entered there and I will also examine what you have done so that it will be a fair scheme for everybody.‘Yan lang ang gusto kong tanungin. Kasi itong si Gordon nagmamalinis, eh," pahayag ni Duterte.

“We will start also with your record as a public official. Plenty! ‘Yang Red Cross na ‘yan. I think that you would not even be able to explain, sa totoo lang.If there is an honest-to-goodness examination of the book of records and the audit of the past years and we will review if it reflected really the real actuations of you and the others there in the Red Cross," aniya.

“I’m sure that we will find something. We believe that you are also guilty of– well, sabihin mo nang malversation. Well, tell us," pahabol pa ni Duterte.

Argyll Geducos