Namayapa nitong Huwebes, Setyembre 2, si Josephine Medina, ang tumapos sa 16-year medal drought ng Pilipinas sa Paralympics noong 2016.

Sa edad na 51, ilang medalya at karangalan ang naiuwi ng para-athlete para sa Pilipinas kabilang na ang 2016 Rio Paralympic Games bronze medals na nasungkit ni Medina sa table tennis category.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinagluluksa ng sports community ang pagpanaw ni Medina.

“The PTTF Family would like to send our deepest condolences to the family of Ms. Josephine Medina, Bronze medalist in the 2016 Rio Paralympic Games. You will be missed by your table tennis family. May your soul rest in peace Jo,” pahayag ng Philippine Table Tennis Federation Inc. nitong Huwebes.

Binigyang-pugay rin ng Philippine Sports Commission (PSC) naging ambag ni Medina sa larangan ng para-sports sa Pilipinas.

Kinilala ng Komisyon ang mahabang record ni Medina kabilang ang mga sumusunod:

2008 ASEAN Para Games 4-time gold medalist

2017 ASEAN Para Games gold medalist

2010 & 2018 Asian Para Games silver medalist

2014 Asian Para Games bronze medalist

2018 World Para Table Tennis Championships Qualifier

2017 Taichung Open in Taiwan silver & bronze medalist

Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay ang Philippine Sports Association for the Differently Abled (PHILSPADA) sa pagpanaw ng atleta.

“ PHILSPADA and the Philippine Paralympic Committee would like to extend our sincerest condolences to the family of Ms. Josephine Medina,” pahayag ng samahan.

“Josephine, Ate Jo to many, became an inspiration to the Table Tennis community when she won a bronze medal during the 2016 Rio Paralympic Games,” dagdag nito.

Walong buwang sanggol pa lang noon si Medina nang dapuan ng polio. Sa kabila nito, hindi napigil ng kanyang kapansanan ang mag-uwi ng mahabalang listahn ng karangalan para sa Pilipinas!