Ipagbabawal muna ng Baguio City government ang pagpasok sa lungsod ng mga non-essential travelers sa loob ng dalawang linggo.
Ipatutupad ang hakbang simula Setyembre 3-19, ayon kay Mayor Benjamin Magalong na nagsabing bahagi lamang ito ng paghihigpit ng lungsod upang hindi na tumaas pa ang kaso ng coronavirus disease 2019.
“Non-residents travelling for leisure or other non-essential purposes, regardless of community quarantine classification in their place of origin, shall not be allowed to enter Baguio,” ang bahagi ng direktiba ni Magalong.
Aabot na sa 45,000 ang nahawaan ng virus sa Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan kabilang ang lungsod, bukod pa ang binawian ng buhay na umabot na sa 800.
Alexandria San Juan