Sinabi ni Vice President Leni Robredo na nakita niya umano ang "greater appreciation" ng publiko sa nakaraang administrasyon sa pangunguna ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kasunod ng pagpanaw nito noong Hunyo.

“May realization sa maraming tao na ito pala yung gusto nating klase ng leader. Mayroong appreciation," ani Robredo sa kanyang online interview nitong Biyernes, Setyembre 3.

“Nakikita ko yan on Facebook, nakikita ko on Twitter, nakikita ko yung mga post ng mga tao na maraming nagising na gusto pala namin yung malinis, disente, seryoso na klaseng leadership. Ayun yung nakita ko after his death," dagdag pa niya.

Matatandaang namatay si dating Pangulong Aquino noong Hunyo 24 sa edad na 61 dahil sa renal disease, secondary to diabetes. Siya ang dating chairman ng Liberal Party (LP), isang posisyon na hawak ngayon ni Robredo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ellson Quismoro