May posibilidad na mabawasan na ang mga nakakulong sa Bureau of Corrections (BuCor) matapos irekomenda sa Department of Justice (DoJ) ang pagbibigay ng parole o executive clemency sa 142 na persons deprived of liberty (PDL) sa buong bansa.

Iniharap na sa Board of Pardons and Parole (BPP) ng Department of Justice (DOJ) ang papeles ng 142 PDLs na masusi namang sinuri ng Inmates Documents and Processing Division (BuCor-IDPD) nitong Setyembre 2.

Ipinaliwanag naman ng BuCor, isa lamang ito sa kanilang hakbang upang mapaluwag ang piitan bilang pag-iwas sa posible pang paglaganap ng coronavirus disease 2019.

Beth Camia

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso