Kinilala ang Philippine Pavilion “Structure of Mutual Support” bilang kauna-unahang "Special Mention as National Participation Awardee” sa ginanap na prestihiyusong 17th International Architecture Exhibition na pinangunahan ng La Biennale di Venezia nitong Agosto 30.

Nabuo ang masterpiece entry ng bansa sa pagtutulungan ng GK Enchanted Farm Community sa Bulacan at mga batikang arkitektong sina Sudarshan V. Khadka Jr. at Alexander Eriksson Furunes.

Hinirang na Special Mention as National Participation Awardee ang entry ng Pilipinas kasama ng Russia; tinalo nito ang 60 bansang nakilahok sa exhibition.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Courtesy mula Philippine Arts at Venice Biennale (PAVB)

Ito ang kauna-unahang National Pavillion mula Southeast Asia na nakatanggap ng pagkilala sa Venice Architecture Biennale simula nang unang nakilahok ang Pilipinas noong 1964.

Courtesy mula Philippine Arts at Venice Biennale (PAVB)

“Thank you so much. We really want to thank the jury; the Biennale, Mr. Hashim – for really recognizing that bayanihan and dugnad can be real alternatives to how we can live together. The way we build is really the way we live. So this is really important to us,” pagpapasalamat ni Furunes habang tinatanggap ang pagkilala.

“We accept this award also on behalf of our collaborators, the GK Enchanted Farm community in Bulacan. We would like to thank our commissioner, the National Commission for Cultural and Arts (NCCA), Department of Foreign Affairs (DFA) and Congresswoman Legarda as well as the PAVB for supporting and trusting the vision for an alternative way we can live together, mula sa puso, para sa bayan. Salamat,” dagdag ni Khadka.

Nauna nang itinampok ng Manila Bulletin nitong Mayo ang konsepto sa likod ng makasaysayang masterpiece ngayong taon kung saan sumentro sa spirit of bayanihan ang naging buong inspirasyon ng Structure of Mutual Support.

Larawan mula Philippine Arts at the Venice Biennale (PAVB)

Itatampok ang Structure of Mutual Support hanggang Nobyembre 2021 sa Philippine Pavilion kasama ang ilang pambansang pavilions sa Arsenale sa Venice.

Naisakatuparan ang proyekto ng Philippine Arts at Venice Biennale (PAVB), mastermind ng pavilion, sa pagtutulungan ng NCCA, DFA at ni Antique Representative Loren Legarda.