Nakatakdang magpasya ang vaccine expert panel (VEP) sa susunod na linggo kung irerekomenda ang pagbibigay ng booster shot or third shot ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.

“By next week, baka meron na tayong maging decision diyan," ayon kay VEP chair Dr. Nina Gloriano sa kanyang panayam sa Teleradyo nitong Biyernes, Setyembre 3.

“Tuloy-tuloy naman ‘yung aming pag-uusap pero marami kasing kinoconsider, ‘yung breakthrough infections sa healthcare workers," dagdag pa niya.

Sinabi ni Gloriani na naghahanap pa umano ng "best solution" ang VEP para maprotektahan ang mga tao laban sa virus sa gitna ng limitadong suplay ng mga bakuna.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Hinahanap natin yung pinaka-magandang solution kahit medyo kulang pa yung ating mga bakuna para sa lalong madaling panahon ay mabigyan natin kung talagang kailangan," aniya.

Sa oras na maaprubahan ang booster shots, ayon sa vaccine expert, ang mga healthcare workers o mga nasa ilalim ng A1 category ang prayoridad.

“Ang most vulnerable talaga ‘yan. Kung sino yung pinaka-mataas ang risk for exposure,” ani Gloriani.

Jhon Aldrin Casinas