Buong mundo ang nakikiindak sa galawan ng dating miyembro ng all-female dance group na Sexbomb Girls na si Aira Bermudez.

Ilan sa mga nakipag-duet na sa kanyang "kaldag o hip thrust steps" sa kantang Like a river ay sina Korean Tiktoker WonJeong o kilala sa kanyang linyang "Mamaaaa," American social media star Jaime Soliz, American comedian at television personality na si Rosie O'Donnell.

Larawan: Screenshot mula kay Aira Bermudez/Tiktok

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang kanyang Tiktok account na @airabermudez ay mayroon nang 1.2M followers at 8.2M likes.

Tunay ngang nasa dugo ni Aira ang pagiging magaling sa pagsayaw.

Kaya naman kilalanin si Aira Bermudez.

Larawan: Screenshot mula kay Aira Bermudez/Tiktok

Si Aira ay ipinanganak noong Setyembre 6 taong 1983. Pinasok niya ang pagiging propesyonal na mananayaw taong 1996 nang sumalang siya sa original Sexbomb dancers ng Eat Bulaga.

At dahil sa kanyang angking galing, binansagan siyang "highest paid dancer na dapat i-wheelchair na" dahil sa sunod-sunod nitong raket.

Samantala, taong 2006 nang unti-unti silang nabuwag at nawala sa Eat Bulaga.

"Si Miss Joy Cancio, medyo bumagsak that time. Tapos yung ibang Sexbomb, iba na yung gusto. Iyong ibang Sexbomb nag-business, yung iba family. Parang wala na siyang Sexbomb; Si Mia, ako, kami-kami na lang. Tapos na-depress na nga siya, tapos ina-out niya na. Parang na-hang lang kami," pagbabahagi ni Aira kay Rhea Santos sa eksklusibong panayam nito sa "Tunay na Buhay."

Pinagpatuloy ni Aira ang kanyang buhay at nang dumating ang Enero 22, 2016, ikinasal si Aira sa non-showbiz boyfriend nito na taga-Australia.

Kahit kasal na, ipinagpatuloy pa rin ni Aira ang kanyang hilig sa pagsasayaw.

Hulyo 2020, nang itinatag nila ang WAR o "Workout with Aira and Rochelle," isang online dance class kasama ang dating lider ng Sexbomb na si Rochelle Pangilinan. Nagkakahalaga lamang ng P100.00 ang bayad kada session.