Mainit ang palitan ng pahayag sa pagitan ng kampo ni Sen. Manny Pacquaio at ang self-proclaimed “Appointed Son of God” Pastor Apollo Quiboloy matapos akusahan ng pastor ang pagkakadawit umano ng noo’y congressman sa kwestyunableng P3.5 bilyong-halagang Sarangani Complex project.

Sa kanyang virtual briefing nitong Setyembre 1, hinamon ng pastor ang senador sa isang debate.

“Hinahamon kita Sen. Manny Pacquaio sa isang marangal na debate. Pili ka kung saan: dito sa istasyon ng SMNI o pili ko kung sinong media outlet na gusto mong i-publish natin to sa tv – sa isyu ng P3.5 billion [project] na ikaw ang author, at nagpasalamat ka pa kay Pangulong Duterte na pinirmahan niya ang bill na ‘to”, diretsahang panghahamon at akusasyon ng pastor.

Ito ang naging reaksyon ng Quiboloy matapos muling pabulaan ni Pacquaio ang mga akusasyon, kung saan plano ring magsampa ng kaso ng senador laban sa pastor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Itong si Quiboloy, gumagawa ng issue na hindi po niya alam. Dapat hindi siya makikialam sa gobyerno. Mag-focus na lang po siya doon sa kanyang mga disipulo na naniniwala po sa kanya,”sabi ni Pacquaio sa isang panayam sa ABS-CBN.

“Patawarin ako ng Panginoon pero hindi po talaga ‘yan totoong pastor kasi gumagawa niya ng mga fabricated story. Yung video na kinunan nila, yung pinalabas nila, building po yoon nung maliit na bata pa ako, nung 1996 pa,”dagdag ni Pacquaio

Ani ng senador, ibinibintang umano ng “Appointed Son of God” na ibinulsa umano niya ang P3.5 bilyong pondo kaya't nakatiwangwang at hindi natapos ang Sports Complex project sa Sarangani.

Matatandaan na bago naging isang senador ang boxing champion, nauna munang itong umupo bilang kinatawan ng Sarangani province sa Kongreso.

Nang maging senador, nakilala bilang top absentee ng Upper House ang"People’s Champ”.

Hindi man malinaw anong kaso ang isasampa ni Pacquiao laban kay Quiboloy, desidido itong dalhin sa korte ang kanilang bangayan.

“Ako mismo magpa-file ng case against him,”paglalahad ni Pacquaio.

Kilala namang matalik na kaibigan ni Pangulong Duterte si Quiboloy.