Nabigo ang tatlong nalalabing atleta sa delegasyon ng Pilipinas na makapag-uwi ng medalya sa sinabakang Tokyo Paralympics. 

Si Filipino wheelchair racer at opening flag bearer Jerrold Mangliwan ang nagtapos ng kampanya ng mga Pinoy paralympians sa men's 100m T52 finals nitong Biyernes, Setyembre 3 kung saan tumapos siya na pangwalo.

Naorasan si Mangliwan ng 20.08, mahigit isang segundo na mas mabagal sa kanyang personal best na 18.88.

Bagamat hindi nanalo ng medalya, pumasok at lumaban si Mangliwan sa finals ng lahat ng tatlong events na kanyang nilahukan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Buhat sa orihinal na bilang na anim na atleta, tanging sina Mangliwan at swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino ang nakasabak sa mga events kung saan sila nag-qualify.

Ang tatlo pa nilang kasama na sina para powerlifter Achelle Guion, para discus thrower Jeanette Aceveda at para taekwondo jin Allain Ganapin ay hindi nakalaro sa kanilang mga events dahil nagpositibo sila sa coronavirus. 

Marivic Awitan