Patuloy umanong nakikipag-usap si Vice President Leni Robredo sa mga "political suitors" ng kanyang 33-anyos na anak ng babae na si Aika Robredo.

Ibinahagi ito ni Robredo sa isang online interview nitong Biyernes, Setyembre 3, maging ang mga detalye ng kanyang "decision-making process" bago ang May 2022 national elections. 

Ayon sa kanya, maraming beses na umanong may nakiusap sa kanya na patakbuhin si Aika sa public office. 

“Si Aika, andaming beses na na may nakiusap sa akin na kung pwede siyang kumandidato. Unang-una ayaw niya naman; pangalawa ayoko rin," ani Robredo.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Aniya, kung bibigyan siya ng pagpipilian, palagi niyang pipiliing protektahan ang kanyang mga anak.

“Kasi para sa akin, kung kaya kong i-protect 'yung anak ko, dun ako. Kung mayroon lang namang iba, wag na siya," sabi ni Robredo.

“Ganun naman sila. Kung pwede namang iba, 'wag na ako," pagdedetalye nito sa kanyang posibleng pagtakbo sa pagka-presidente sa susunod na taon.

Si Aika ay may master's degree mula sa Kennedy School of Government ng Harvard University, katulad ng kanyang ama na si dating Naga City Mayor Jesse Robredo.

Mayroon pa siyang dalawang kapatid na sina Tricia, 27, at Jillian, 21.