CAGAYAN– Nakapagtala ang lalawigan ng 25 na nasawi dahil sa COVID-19, base sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) noong Huwebes, Setyembre 2.

Ito na umano ang pangatlong pagkakataon na nakapagtala ang lalawigan ng mataas na bilang ng nasawi sa isang araw simula nangmagkapandemiya.

Sa 25 na nasawi, anim ang mula sa Tuguegarao; lima sa Buguey; apat sa Baggao; tatlo sa Aparri; dalawa sa Alcala; isa sa mga bayan ng Amulung, Lasam, Pamplona, Solana, at Sto. Nino.

Samantala, umabot sa 472 ang bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa araw lamang ng Huwebes na sanhi upang umabot sa 4,350 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Liezle Basa Inigo