Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 16,621 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Huwebes.
Ito ang binanggit ng DOH sa kanilang bulletin No. 537 na nagsasabi ring sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 2,020,484 ang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 2, 2021.
Sa naturang total cases, 7.3% pa o 146,510 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa, kabilang dito ang 96.2% ang mild cases, 1.1% ang asymptomatic, 1.1% ang severe, 0.99% ang moderate, at 0.6 % ang kritikal.
Mayroon din namang 10,965 na pasyenteng bagong gumaling mula sa karamdaman kaya’t umaabot na sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa sa 1,840,294 o 91.1% ng total cases.
Nadagdagan pa ng 148 na pasyenteng binawian ng buhay dahil sa sakit kaya sa kabuuan, ito ay umaabot na sa 33,680 o 1.67% ng total cases.
Mary Ann Santiago