Naloloka ngayon ang mga beki sa panibagong usap-usapan hinggil sa hunk actor na si Tony Labrusca.

Viral kasi ngayon ang TikTok video nila ng host na si Raymond Gutierrez, na kamakailan lamang ay umaming miyembro ng LGBTQIA+ community. Matagal na ring naiisyu ang tunay na sexual preference ni Tony. Wala naman siyang itinanggi o inamin sa usaping ito hinggil sa kaniyang kasarian.

Raymond Gutierrez at Tony Labrusca (Screenshots mula sa TikTok ni Tony Labrusca)

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

Raymond Gutierrez at Tony Labrusca (Screenshots mula sa TikTok ni Tony Labrusca)

Matatandaang napaghinalaang beki si Tony dahil naiugnay siya sa aktor na si Alex Diaz, na umamin namang bisexual.

Nakadagdag pa rito ang pagpayag niyang gumawa ng patok na BL series kasama si JA Alcantara na 'Hello Stranger' na ginawan na rin ng pelikula.

Napag-usapan naman ito nina Ogie Diaz at Mama Loi sa showbiz vlog na 'Ogie Diaz Showbiz Update.' Ayon kay Mama Loi, hindi raw maiiwasang paghinalaan ang dalawa dahil batay sa video, masyado umanong touchy si Raymond kay Tony. Parang may 'something' daw ang dalawa.

Bagay na sinalag naman ni Ogie.

“Eh, ano naman ngayon kung sweet? So, kapag tayo Loi ganyan, pagdududahan din tayo ng mga tao?” tuntag ni Ogie kay Loi.

“Eh, alam naman nilang pareho tayong girl! Eh, ‘yung dalawa, ‘yung isa (Raymond) pa lang naman ang umamin. ‘Yung isa wala namang inaamin,” tugon naman ni Mama Loi.

Hirit pa ni Mama Loi, kung sakaling totoo nga ang something sa pagitan nina Raymond at Tony, wala naman na umanong kaso ito. 'Lowe wins' daw. Kung tatanungin umano siya, kinikilig siya sa sweetness na nakikita niya sa video.

Kamakailan lamang ay naging kontrobersyal naman si Tony dahil inireklamo siya ng two counts of aggravated acts of lasciviousness ng isang babaeng kainuman niya. Sa ngayon ay wala pang update kung ano na ang nangyari sa kasong ito.