Ikinuwento ng isang babaeng pasahero na si Abby Nicasio Bautista sa kanyang Facebook post ang kanyang karanasan matapos siyang piliting sumama diumano ng konduktor at driver ng sinasakyan niyang bus.

Ayon sa kanya, imbes na sumakay ng MRT ay mas pinili na lamang niya na mag-bus dahil sa kalagayan niyang hindi na kaya ang humakbang nang marami dahil mahina ang kanyang tuhod. Sumakay siya ng bus patungong Cubao. Pagkaupo niya, tinabihan siya ng konduktor.

"6pm galing ako ng Guadalupe. Sumakay nalang ako ng bus since mababa potassium ko panay hagdan sa may MRT syempre mahirap humakbang mahina tuhod ko. Sumakay ako ng bus pa-Cubao. Pag upong pag-upo ko, tinabihan ako nung konduktor. Pagdating ng Santolan dun na nya ko kinausap tsaka nung driver since bumaba lahat nung pasahero," ani Abby.

Pagpapatuloy nito, pinipilit siyang isinasama sa kanila. Hindi siya nakababa ng Cubao dahil dire-diretso ang takbo ng bus.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, "Dapat bababa ako sa Cubao, pero di sila tumigil doon. Dinetretso nila ako sa QC. Doon na nila ako pinilit na sumama sa kanila. Deretso daw kami sa Monumento saglit lang daw."

Larawan: Abby Bautista/FB

Dahil sa sobrang takot na naramdaman niya, hindi na raw umano siya makapag-text at maka-tawag sa kahit sino sa kanyang mga contacts dahil tinabihan na siya ng konduktor at hinawak-hawakan na siya nito.

Pagbabahagi pa niya, ala siete ng gabi nang makarating na sila sa Qmart, may mga pulis at may mga pasaherong nakapila kaya dito na tumayo ang konduktor upang pasakayin ang mga pasahero dahil wala umano silang choice.

"May pulis at may mga nakapila pasahero kaya no choice sila kailangan nila magpasakay. Tumayo saglit yung konduktor tapos yung babae na sumakay tumabi sakin. Sa sobrang takot ko nanginginig ako nagtype sa phone ko para ipakita sa katabi ko na babae," ani Abby.

Agad siyang nagtype sa kanyang cellphone nang may tumabi sa kanyang babae upang humingi ng tulong.

Larawan: Abby Bautista/FB

"MISS ISAMA MOKO PABABA HINAHARASS AKO NG KONDUKTOR."

Nagulat umano ang babaeng katabi niya kaya't pagdating sa babaan hinawakan ng babae ang kamay niya at pinaunang pinababa.

Bumaba na rin umano ang konduktor at tinatawag pa siya nito. Umiyak siya sa sobrang takot at tumakbo na papalayo sa bus at nakalimutan niyang tingnan ang plate number ng bus.

Laking pasasalamat ni Abby sa babae na tumulong sa kanya. Ngayon, hinihikayat ni Abby na mag double ingat sa pagbyahe lalo na tuwing gabi.

Payo ni Abby, "Sa mga babae jan na bumabyahe ingat po tayo kahit saan lugar. Lakasan nyo loob nyo. Kahit saan maraming manyak. Kung ano man suot mo, payat ka man o mataba, matanda o bata, wala kang ligtas sa mga mata ng manyak. Kaya doble ingat din po kayo kung maaari wag kayo bumyahe ng mag-isa."