Bumagal ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Health (DOH).

“Evident yung pagbagal ng pagdami ng kaso. From a very steep increase ay medyo lumilihis, medyo nagpla-plateau po siya," ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman sa Malacañang press briefing nitong Huwebes, Setyembre 2.

“Mataas pa rin pero hindi as fast as we were previously seeing,” dagdag pa niya.

Ani De Guzman, mula Agosto 26 hanggang Setyembre 1, ang average na daily cases ay nasa 4,632.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“(This is) just 500 cases higher than what we reported a week ago [Aug. 19 to 25] which was 4,146," aniya.

Gayunman, lahat ng lugar sa Metro Manila ay nananatili sa high risk classification ng COVID-19.

Analou de Vera