NUEVA ECIJA - Pumalo na sa 2,187 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan matapos madagdagan pa ng 307 na nahawaan ng sakit.

Ito ang isinapubliko ni Nueva Ecija-Inter-Agency Task Force (NE-IATF) chairman Governor Oyie Umali at sinabing batay ito sa datos ng Department of Health (DOH) sa probinsya.

Sa naturang bilang aniya, nasa 1,641 pasyente ang isinailalim sa home quarantine habang 225 naman ang nasa quarantine facility, at 319 ang naka-confine sa ospital.

Aniya, kailangang masuportahan ang mga ospital sa lalawigan sa paggamit ng mga piling pasilidad sa bawat bayan at lungsod para sa mga COVID-19 positive patients.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Paliwanag ni Umali na kung sa simula pa lamang ay isinagawa na ang pag-a-isolate sa mga nahawaan mula sa kani-kanilang pamilya ay hindi na lumobo pa ang kaso ng sakit sa probinsya.

Light Nolasco