Isinusulong na magiging krimen ang pagtatago o pag-iimbak ng mga bakuna at ang pagpapa-booster shot, ayon sa panukalang batas na inihain sa Kamara nitong Miyerkules.
Sa House Bill 10106 (“Anti-Vaccine Hoarding Act”) na inakda ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, ang hoarding o pag-iimbak ng bakuna at ang pagpapabakuna nang tatlong beses (boosters) ay parurusahan ng 15 hanggang 60 araw na pagkabilanggo at multang P100,000 hanggang P500,000.“Vaccine hoarding and unauthorized vaccinations have jeopardized the proper delivery of public health services and the welfare of every Filipino who has been deprived of the opportunity to be protected from the corona virus,” ani Vargas, kasunod ng mga ulat na may mga indibidwal na nagho-hoard ng mga bakuna at nagpapaturok nang tatlong beses o booster.
“These acts are inimical to the public health system and the overall welfare of the public, thus must be penalized. These are selfish and detrimental to the collective recovery and protection of the Filipino people,” dagdag ng kongresista.
Kaugnay nito, nagpasa na ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng 17 mayor ng National Capital Region ng isang resolusyon na nagpapataw ng parusa laban sa "vaccine hoppers and hoarders."
Bert de Guzman