Mahigit pa sa 700,000 doses ng Pfizer vaccine ang dumating sa bansa nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa National Task Force Against COVID-19.
Dakong 8:48 ng gabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang Air Hong Kong flight LD456 sakay ang nabanggit na bakunang gawa ng United States.
Sinalubong naman nina vaccine czar at NTF chief implementer, Secretary Carlito Galvez at U.S. Embassy Charge d'Affaires John Law ang pagdating ng bakunang nakatakdang i-deliver sa siyam na rehiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Kabilang sa nasabing mga lugar angIlocos (Region 1), Cagayan Valley (Region 2), Central Luzon (Region 3), at Calabarzon (Region 4A) sa Luzon; Western Visayas (Region 6), Central Visayas (Region 7), at Eastern Visayas (Region 8); Zamboanga Peninsula (Region 9), at Davao (Region 11) sa Mindanao
“Majority of the allocation will be given to the provinces, to those affected regions… that have been heavily afflicted by COVID-19 and areas that have never been reached by Pfizer.We want all municipalities [to] have some sort of dry run so that when majority of the Pfizer will come (sic) by October — more or less 10 million of which will be delivered each month during October, November, and December — they are already knowledgeable of how to handle critical supplies like the vaccine of Pfizer,” pahayag ni Galvez.
Aabot sa600,210 doses ng bakuna ang nakalaan sa Luzon habang ang Visayas at Mindanao ay bibigyan ng 51,480 doses bawat isa.
Martin Sadongdong