Inihayag ng isang opisyal ng Philippine Genome Center (PGC) na hindi pa dapat na ikabahala ng publiko ang Lambda variant ng COVID-19.

Ang Lambda variant, na unang natukoy sa bansang Peru ay itinuturing pa lamang ng World Health Organization (WHO) bilang ‘variant of interest’ sa ngayon.

Pagdadahilan ni PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma, bagamat mataas ang death rates sa Peru ay hindi pa naman batid kung Lambda variant ba talaga ang sanhi nito.

“What concerning about the Lambda variant is that Peru has some of the highest per capita death rates in the world in COVID, but we don’t know whether it’s truly because of the Lambda variant or the challenges in the healthcare system,” pahayag pa ni Saloma, sa isang virtual forum.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Aniya, ang Lambda cases na natukoy na sa may 33 bansa ay nakikitaan na rin naman nang pagbaba.

“In other countries also, we have not seen a rise in cases of the Lambda variant and that’s why even in the US, Centers for Disease Control and Prevention does not even consider the Lambda variant as variant of interest,” paliwanag nito.

“So I guess we don’t really have to concern too much about the Lambda variant… We have only detected one Lambda variant and we have not detected onward transmission so this is not quite a matter of concern as of now,” aniya.

Binigyang-diin pa ni Saloma na ang Delta variant pa rin ang nananatiling pangunahing banta sa Pilipinas, gayunman, tiniyak na ang mga bakunang available sa bansa ay nananatiling epektibo laban sa COVID-19.

Matatandaang ang unang kaso ng Lambda variant sa Pilipinas ay natukoy ng DOH noong Agosto.

Mary Ann Santiago