Maituturing bang karma sa isang tao ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay o isang kapamilya, anuman ang kaniyang ginawa o mga pagkakamali sa buhay?

Walang pag-aalinlangan at matapang na sinagot ni Jelai Andres ang mga bashers niya na nagsasabing karma umano niya ang pagpanaw ng kaniyang lola. Ang mga bashers na ito ay mga tagahanga at tagasuporta ng kaniyang asawang si Jon Gutierrez. Si Jelai Andres ay madalas na napapanood sa mga shows ng GMA Kapuso Network.

Noong August 28 ay inilabas ni Jelai ang balita ng pagpanaw ng kaniyang Nanay Mona sa kaniyang Facebook account. Marami ang nagsabing karma umano ito sa kaniya.

Hindi rin umano katangap-tanggap na ginagawa pang katatawanan sa mga group chat ang pagluluksa ng pamilya Andres, kaya matapang niyang sinita ang mga ito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinakyan at ginawang positibo na lamang ni Jelai ang isyung karma ang pagkamatay ni Nanay Mona.

“Sa mga nagsasabing karma sa akin ang pagkamatay ng lola ko at nagdidiwang sila kasi nagluluksa kaming pamilya at nasasaktan ako ng sobra. Yes karma nga!" aniya.

Screenshot mula sa FB/Jelai Andres

Good karma naman daw ang nangyari sa kaniyang lola dahil umabot ito ng 99 na taong gulang, bagay na bibihira na lamang sa panahon ngayon. Nalubos umano nito ang pamumuhay nang masaya at maganda sa mundo.

“I think good karma. Kasi binigyan siya ni Lord ng mahabang buhay, 99 years old na siya. At naranasan niya ang napakaganda at masayang-masayang buhay at punong-puno ng pagmamahal. Hindi namin siya nabigyan ng sama ng loob. Minsan lang sumama loob niya noong sinasaktan ako ng ibang tao,” pahayag ng aktres sa kaniyang Facebook page.

Paglilinaw pa niya, walang sakit si Nanay Mona, humina na lamang ang tibok ng puso nito dala na rin ng katandaan.

"Hindi po dapat sine-celebrate at pinapalakpakan ang pagluluksa ng ibang tao. ‪Im also human, I get hurt too just like all of you. Sana huwag ninyo maranasang magluksa at mawalan ng mahal sa buhay tapos pinagtatawanan kayo at sine-celebrate pa ng ibang tao ang pain at pagluluksa ninyo ng pamilya ninyo. Hurting a grieving person is totally not acceptable,” pagpapatuloy ni Jelai.

May be an image of text that says 'Data Mode Buy Data Go to Free KING BADGER SOLID Hindi po baki umuulan poba sa inyo? Yes bheeee Bumabaha ng luha gling knila Andres. Charottt Komosta kaya agluluksa ni andres hahahaha EvjaygelrepliedtoAsh Evjaygel Komosta kaya pagluluksan andres hahahaha Oo ngaaaa anxiety and depressed is there na mga mare. kawawang andres!! Karma pa ngaaaa marsh Newer messages 120 139 Tweet your reply'
Screenshot mula sa FB/Jelai Andres

Samantala, nakuha pa ring ipagtanggol ni Jon Gutierrez ang kaniyang nakaalitang misis na Jelai laban sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na ginagawang katatawanan ang pagluluksa ng pamilya Andres.

“Namatayan yung tao at pamilya natuwa pa kayo? Ang lala n'yo na. Ilang beses ko na sinabi sa inyo na tigilan n'yo kakaganyan n'yo dahil ako na naman ang nadadamay at pangalan ko," tweet ni Jon.

"Huwag kayong magmamakaawa kapag gumawa ng legal na way 'yan para pagbayaran n'yo mga kagag*han n'yo,” dagdag pa nito.

Ongoing na ang kaso ng annulment nina Jelai at Jon.

Samantala, nitong September 1 ay nailibing na ang lola ni Jelai. Nagbigay siya ng tribute para dito sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post.

"Nanay Ramona was our lucky charm. She was magic. She was loved. She was a remarkable combination of warmth and kindness, laughter and love. She received a corporal cloth from our beloved priest whom she treated like a member of our family (Fr. Eric). Nanay was very lucky," saad ni Jelai.

May be an image of 2 people, people standing, balloon and outdoors
Larawan mula sa FB/Jelai Andres

May be an image of 1 person and balloon
Larawan mula sa FB/Jelai Andres

"Thank you all so much for your sympathy and condolences. Please continue keeping our family in your thoughts and prayers.

Hug your grandparents a little tighter today, please hug them while you still can," dagdag pa niya.