Pinaplanona ni dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos na kumandidato sa pagka-presidente para sa May 2022 elections.

"The presidency is not taken off the table," ani Marcos sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 1 kaugnay ng kanyang plano plano para sa darating na halalan.

Sinabi rin niya na nakikipag-usap siya sa lahat, kabilang ang Partido Demokratikong Pilipino (PDP-Laban), partido na binuo noong 1982 ng namayapangsi Senate President Aquilino Pimentel Jr.

Tinanong din si Marcos kung siya ba ay tatakbo bilang presidente dahil ang mga supporters nito ay nais siyang patakbuhin bilang presidente.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aniya, ang pagka-presidente ay maaaring maging tamang landas dahil base sa mga survey, lamang siya sa presidential bracket kaysa sa vice presidential slot.

"That's why I am considering it," pagdidiin ni Marcos.

Sa susunod na buwan na ang nakatakdang paghahain ng certificate of candidacy para sa 2022 national elections.

Mario Casayuran