Inihayag noong Miyerkules ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na personal siyang inalok ni Sen. Christopher "Bong Go" na maging vice president niya sa 2022 elections kapag siya ay tumakbo sa pagka-pangulo.

Bukod kay Go, sinabi ni Duterte-Carpio na maging si Sen. Sherwin Gatchalian ay nagpahayag ng interes na maging ka-tandem niya sa halalan.

Una rito, inihayag ng Pangulo ang intensiyong tumakbo bilang vice president samantalang pormal namang tinanggihan ni Go ang alok ng ruling partyPDP-Labanna maging standard-bearer nito sa 2022 elections.

Pinabulaanan din ni Mayor Sara ang pahayag umano ng ama na nagtungo sa Davao City si Sen. Imee Marcos para ialok ang sarili bilang vice president niya.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“This is not true. She visited me in Davao last May 29 to personally relay her birthday wishes. So far, this is the only visit she has made to me in Davao,” ayon kay Inday Sara sa kanyang Facebook post.

Bukod kina Go at Gatchalian, may mga nagsasabing gusto ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro na maging vice president.

Gayundin sina House Majority Floor Leader Martin Romualdez, Sen. Sonny Angara at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Bert de Guzman