Nangangamba ang Navotas City government sa posibleng maranasang krisis sa basura kasunod na rin ng pagkahawa sa coronavirus disease 2019 ng siyam na garbage truck driver at 16 pang basurero nito, kamakailan.

Sinabi ni Mayor Toby Tiangco na apektado na ang araw-araw na paghahakot ng basura sa lungsod dahil limitado na ang pag-iikot ng mga garbage truck bunsod na rin ng pangyayari.

Aniya, sumasailalim na sa 14 days quarantine ang mga driver at basurero upang maiwasang makahawa pa ang mga ito.

Sa datos ng city hall nitong Miyerkules, nasa 119 na ng mga kawani nito ang tinamaan ng virus kaya ini-lockdown na ang munisipyo sa loob ng 10 araw.

National

AFP Chief Brawner, sinigurong walang mangyayaring kudeta: 'Not on my watch!'

Kaugnay nito, umapela rin ang opisyal sa mga residente na huwag ikalat ang kanilang basura at sa halip ay ipunin na muna ang mga ito hangga't hindi dumarating ang mga maghahakot.

Orly Barcala