Dumating na sa bansa nitong Miyerkules ang 31 na overseas Filipino workers (OFWs) na lumikas mula sa kaguluhan sa Afghanistan, kamakailan.
Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing OFWs ay bahagi ng 138 na Pinoy na naipit sa kaguluhan sa naturang bansa.
Nakasakay ang mga ito sa isang chartered flight na lumapag saNinoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 1 nitong Setyembre 1 ng hapon.
Sa rekord ng DFA, pawang empleyado ang mga ito ng security companies sa Kabul, ang kabisera ng Afghanistan na sinakop na ng militanteng grupo ng Taliban, kamakailan.
Inililikas pa rin ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang 23 pang natitirang OFWs sa nabanggit na bansa upang tuluyang maiuwi sa Pilipinas.
Bella Gamotea