Kung nakatakda pa lang na koronahan ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon, ilang bansa na ang nagtalaga ng kanilang kandidata ngayon pa lang.

Sa pageant page na Pageanthology 101 nitong Miyerkules,Setyembre 1,ibinahagi ng pageant news community ang pagkakatalaga sa top model na si Nadia Ferreira bilang opisyal na delegate ng Paraguay sa Miss Universe ngayong taon.

Sa postura pa lang ng kaniyang mga larawan, agad nang kinatakutan ng ilang pageant followers lalo na ng mga masugid na Filipino fans, ang makakabanggaan ng mga kandidata sa Miss Universe.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Larawan mula Missosology

“Sinong lalaban dito? Ang photogenic at sensuous sa picture,” ani ng isang Filipino follower.

“She is joining the pack of P strongest predator for the crown. Can't wait for the other P to join her,” ani pa ng isang Vietnamese commentator.

Larawan mula Missosology

Inulan din ng wow at heart reactions ang pagtatampok ng isa pang pageant page na Missosology sa anunsyo ni Nadia.

“So far siya [ang] strongest sa Miss Universe 2021,” komento ng isang Pinoy pageant fan.

“Bigatin mga candidates sa MU ngayon, pang-supermodel, hmmmm sino kaya sa PH?” dagdag ng isa pang avid pageant follower.

Larawan mula Missosology

Larawan mula Missosology

Ayon sa Pageanthology, si Nadia, 22, ay isang Paraguayan top model na hinubog ng ilang fashion programs sa iba’t ibang bahagi sa mundo kabilang na sa Milan, New York, Paris, Brazil, Uruguay at Paraguay.

Sa kanyang Commercial Engineering background at modeling profile, siya na nga ba ang kauna-unahang makapag-uuwi ng mailap na Miss Universe crown para sa Paraguay?

Gaganapin ang Miss Universe sa darating na Disyembre sa Eliat, Israel.